-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Nasa P6.3 bilyon mula sa pambansang pondo ngayong taong 2023 ang inilaan para mapalakas ang sektor ng turismo sa bansa.

Ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Sec. Amenah Pangandaman, ang nasabing multi-bilyong peso na pondo ay bahagi ng hakbang ng Marcos administration upang ma-promote ang Pilipinas bilang tourist hub at makahikayat ng dagdag na mga foreign investments.

Dagdag pa ng kalihim na prayoridad at kasama ngayon na pinaggagastusan ng administrasyon ay ang “Build Better More” na mga infrastructure program upang mabigyan ng magandang karanasan ang mga turista na pumupunta sa Pilipinas.

Si Sec. Pangandaman ay isa sa mga panauhing pandangal sa Philippine League of Local Budget Officers (PHILLBO) Inc. Annual Convention na ginanap sa isla ng Boracay.

Ang tatlong araw na event, na may temang “Digital Transformation to Strengthen LGU Public Financial Management,” ay dinaluhan ng nasa 2,500 delegates na kinabibilangan ng mga Local Government Unit (LGU) officials, Local Budget and Finance officers, and Public Financial Management (PFM) practitioners sa buong bansa.