Nasa 10 kilo ng hinihinalaang shabu na may market value na halos P80 million ang nasabat ng mga otoridad sa isang abandonadong speedboat na natagpuan sa Brgy. Locloc, Palauig, Zambales.
Ayon kay Police Captain Joel Ferrer, hepe ng Palauig Police, may natanggap silang impormasyon kaugnay sa nakataob na speedboat na hinihinalaang may iligal na droga.
Ayon sa opisyal nasa 300 metro mula sa dalampsigan ng Magsaysay Beach Front, pinuntahan ng kanyang mga tauhan kasama ang Philippine Coast Guard ang speedboat na nakataob at inabanduna.
Habang sinusuri ang speedboat, natagpuan ng mga awtoridad ang nasa limang plastic bag na naglalaman ng tig 2 kilo ng hinihinalang shabu at nakuha rin dito ang 1 floating device at 2 engine manual.
Sinabi naman ni Ferrer, na 500 metro mula sa speedboat, nakita ang isang itim na motor.
Kanila na ring inaalam kung may kinalaman sa mga hinihinalang shabu na nakuha.
Sinusuri na sa ngayon sa Zambales Crime Laboratory Office ang mga nakuhang ebidensiya at inaalam ang pinagmulan ng speedboat.