-- Advertisements --

Malaking revenue ang nawala sa gobyerno dahil sa mga maanomalyang rice importation nuong nakaraang administrasyon.

Inilahad ni Albay Representative Joey Salceda na hanggang sa ngayon hindi nareresolba ang pinakamalaking price manipulation sa agricultural sector na nangyari noong panahon ng nagdaang Duterte administration.

Ayon kay Salceda, nangyari ito noong 2016 hanggang 2018 na kinabibilangan ng pag-corner sa mga import permits sa nabanggit na mga taon.

Ginawa ni Salceda ang pagbubunyag sa pagdinig ng Quinta Committee kung saan kinontrol ng private sector ang rice importation at “minanipula” ang import permits na naging dahilan ng pagsipa ng presyo ng bigas noong 2018.

Sinabi ni Salceda tinatayang nasa P88.6 billion ang nalugi sa gobyerno sa porma ng buwis at naresolba lang ito nang buwagin ang Rice Tariffication Law nuong 2019.

Binigyang diin ni Salceda, walang naipakulong o nakasuhan sa alegasyon ng panunuhol kapalit ng import permits at pagkabigo ng NFA na tukuyin ang mga cartel kung saan na-divert ang pondo ng palay procurement tungo sa loan payments.

Una ng inihayag ni dating Presidential Spokesman Harry Roque na magsasampa ng kaso ang Duterte administration noong September 2018 pero hanggang sa ngayon walang nangyayari.