-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Sinunog na kaninang alas-9:00 ng umaga ang mga illegal drugs at non-drug evidences na nakumpiska sa mga operasyong inilunsad ng mga otoridad sa iba’t bang bahagi Caraga Region.

Umabot sa 798.50-gramo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit 5.4-milyong piso at mahigit 2.4-milyong piso naman ng marijuana ang sinunog sa Richmond Plywood Corporation sa Barangay Mahogany nitong lungsod.

Ito’y matapos ibinaba ang 70 mga destruction orders na ang pinakamarami ay mula sa RTC Branch 3 nitong lungsod na umabot sa 25.