KORONADAL CITY – Umabot na sa halos P8 milyon ang pinsalang iniwan sa pananalasa ng flash flood sa agrikultura at kabuhayan ng mga residente sa Barangay Daguma , Bagumbayan, Sultan Kudarat.
Ito ang inihayag ni Kapitan Merilo Cordero ng Daguma ,Bagumbayan ,Sultan Kudarat panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Cordero, lubos na naapektuhan ang kanilang barangay kung saan nasa higit 1000 mga residente ang apektado at nasa halos 60 ang wala na talagang mauuwiang bahay.
Dagdag pa ng opisyal, kabuuang 62.5 ektarya ng palay na tinatayang nasa P1milyong ang sinira ng tubig baha, 70 ektarya naman o aabot sa P1.4 million ang pinsala sa corn production, 20 hektarya ng pananim na goma naman ang apektado at nasa P 50,000 sa fish pond production.
Sa inilabas na datos ng Municipal Engineering office ng Bagumbayan, nasa 53 na mga apektadong kabahayan ang totally damage o nasa kabuuang P5.4 million.
Sa ngayon, ang iba sa mga residente ay unti-unti na ring nag sisibalikan sa kanilang barangay para isaayos ang kani-kanilang mga tahanan na napuno ng tubig baha at ilang sa mga ito ang nawasak.