-- Advertisements --
Tiniyak ni Health Secretary Ted Herbosa na ang P89.9 bilyon na sobrang pondo ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ay ilalaan para pondohan ang mga Health program.
Ayin sa kalihim, mismong si Finance Secretary Ralph Recto ay nangako na ang hindi nagamit na pondo ay gagamitin para sa mga programang may kinalaman sa kalusugan.
Sinabi ni Herbosa na personal niyang hiniling kay Sec. Recto na gawin itong posible, habang idiniin na ang PhilHealth ay maaaring tumayo sa sarili nitong walang P89.9 bilyon.
Nilinaw din niya na ang sobrang pondo ay hindi nagmula sa kontribusyon ng mga miyembro ng PhilHealth, kundi mula sa subsidiya ng gobyerno upang magamit ito ng PhilHealth sa pagtulong sa mahihirap na komunidad at mga senior citizen.