Nanguna ang Hamad International Airport sa Doha, Qatar sa Worlds’ Top 10 Airports ng Skytrax.
Ayon sa SkyTrax na ang nasabing paliparan ay nagwagi bilang Best Airport sa Middle East, World’s Best Airport in the 25 to 35 million Passengers category at Best Airport Staff in the Middle East.
Mula ng itayo ito noong 2014 ay mabilis itong naging paborito ng mga pasahero.
Kahit aniya na mayroong COVID-19 ay tiniyak ng paliparan na nasusunod ang health and safety standards.
Pumangalawa naman sa listahan ang Tokyo Haneda Airport bilang Best Airport in Asia, World’s Best Domestic Airport, World’s Best Airport Cleanliness at Best Airport Accessible Facilities.
Habang ang Changi Airport ng Singapore na nanguna noong nakaraang taon ay nasa pangatlong puwesto na na siyang kinilala ngayon bilang World’s Best Airport sa 10-15 milyon passengers category ng 2021, World’s Best Airport Staff at Best Airport Staff sa Asya awards.