-- Advertisements --
Nagbigay ng katiyakan ang Hamas na sila ay seryosong makikibahagi para makamit ang ceasefire sa Gaza.
Ang nasabing pahayag ay kasunod ng pagpayag ng Israel sa ceasefire deal nila sa Hezbollah.
Nakatuon sila ngayon sa pagtigil ng kaguluhan at handa na rin silang tumugon sa pakikipagpalitan ng mga bihag sa Israel.
Pinasalamatan din ng Hamas ang Hezbollah sa pagsuporta nila sa Gaza lalo noong nabubuhay pa ang kanilang lider na si Hassan Nasrallah na napatay ng Israeli airstrike noong Setyembre 27.