-- Advertisements --
Inihayag ng Hamas na kanilang inabisuhan ang mga mediators na handa na sila na pumasok sa “full agreement” sa Israel.
Sinabi ng grupo na malinaw ang kanilang posisyon na kapag tumigil na ang occupation at mahinto ang pagdamay ng mga tao sa Gaza ay hindi sila magdadalawang isip na pumasok sa full agreement.
Kasama sa nasabing kasunduan ang kumprehensibong exchange deal.
Una ng sinabi ng Gaza na handa nilang tapusin ang giyera nila sa Israel kapag ititigil na rin ng Israel ang pag-atake nito sa Gaza strip.
Magugunitang namamagitan ang Qatar at Egypt sa peace agreement sa Hamas at Israel kung saan makailang beses na ang naganap na pagpupulong ng magkabilang panig.