-- Advertisements --

Handang-handa ng tumugon sa anumang oras ang Hamas sa isinusulong na ceasefire deal.

Subalit ayon sa Hamas na ang nagiging problema ngayon kaya tumatagal ang pag-apruba ng nasabing kasunduan ay ang Israel.

Giit nila na matagal na sanang naaprubahan ang peacedeal kung hindi sana maraming mga hirit na pagbabago ang Israel.

Itinuturing nila na ang naging ceasefire talks na ginanap sa Doha noong nakaraang mga araw ay seryoso at mayroong magandang resulta.