-- Advertisements --
Nanindigan ang Hamas na hinaharang ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang isinusulong mga mediators na peace deal.
Nakausap kasi ng Palestinian armed group ang mga mediators na bansa gaya ng US, Egypt at Qatar kung saan nakita nilang nagkaroon ng pagdududa pa ang Israel.
Giit nila na ang bagong proposal ay mas pumapabor lalo kay Netanyahu kaya wala dapat itong dahilan na tanggihan ang nasabing usapin.
Ilan sa mga laman ng kasunduan ay ang pagpapalitan ng mga preso at ang pagtanggal ng mga sundalo ng Israel sa Gaza.
Umaasa ang Hamas na sa mga susunod na pagpupulong ng mga mediators ay kanilang mapapapayag na ang Israel.