-- Advertisements --
Nais ng grupong Hamas ang agarang pagpapatupad ng ceasefire sa pagitan nila ng Israel.
Sinabi ni Basem Naim isa sa mga senior official ng Hamas na seryoso ang kanilang grupo para maisakatuparan ang nasabing peace deal.
Ang pahayag na ito ng senior official ng Hamas ay kasunod ng pagsisimula ng pag-uusap ng mga mediators sa Qatar.
Binigyang halaga nito ang tuluyang pagpapaalis ng mga Israeli forces sa Gaza.