-- Advertisements --

Ikinagalit ng mga Hamas ang naging suhestiyon ni US Senator Lindsey Graham na dapat gumamit na ng nuclear bomb ang Israel sa Gaza.

Ayon sa Hamas na ang pahayag ng US Senator ay isang negatibong ipinamanang pag-iisip ng kolonyalismo.

Ipinapakita lamang nito na sinusuportahan ng US ang genocide kung saan walang pakialam ang mga ito kung may madamay man na kabataan.

Nanawagan din ang grupo sa mga tao na kondinahan ang naging pahayag na ito ng US senator at marapat na isulong ang mapayapang pagtatapos ng giyera sa Gaza.