-- Advertisements --
Inakusahan ni Hamas official Taher al-Nunu si US Secretary of State Antony Blinken na pagiging bias.
Sinabi nito na hindi na neutral at nagiging foreign minister na lamang ng Israel si Blinken.
Kasunod ito sa ipinipilit umano ng Blinken na dapat aprubahan na ng Hamas ang peace deal na isinusulong ni US President Joe Biden.
Una rito ay itinanggi ng Hamas na pumayag na sila sa nasabing peace deal dahil may ilang mga pagbabago na nais nilang ipatupad.