-- Advertisements --
Inilabas na ng Hamas ang pangalan ng tatlong bihag nila na susunod nilang palayain.
Kinilala ang mga ito na sina Russian-Israeli Alexander Troufanov, Argentine-Israeli Yair Horn, at US-Israeli Sagui Dekel-Chen.
Ang nasabing mga bihag ay kapalit rin ng mga Palestinong inmate na nakakulong sa Israel.
Una ng sinabi ng Israel na kanilang ipagpapatuloy ang pagbomba sa Gaza kapag hindi itinuloy ng Hamas ang pagpapalaya ng bihag.
Magugunitang noong Enero ng ipinatupad ang ceasefire deal na mayroong tatlong yugto hanggang tuluyang matapos ang kaguluhan.