-- Advertisements --
Inilatag ng Hamas ang ilang mga ikinokonsidera nilang mga proposal mula sa mga ‘mediator’ na nagsusulong ng ceasefire.
Ayon sa Hamas official na si Sami Abu Zuhri, na bukas ang grupo sa anumang proposal para sa tuluyang pagtigil ng kaguluhan sa Gaza.
Hindi rin nila isinasara ang kanilang pintuan para sa anumang kasunduan na maaring magtapos sa paghihirap ng mga Palestino na magdadala sa permanenteng tigil putukan.
Magugunitang patuloy ang panghihikayat ng mga bansang US, Qatar at Egypt na siyang nagsisilbing mga mediators na dapat tumugon sa ceasefire ang Israel.