-- Advertisements --
Nakatakdang ipasakamay ng Hamas sa Israel ang apat na bangkay na kanilang bihag.
Ayon sa Ezzedine Al-Qassam Brigades na hindi na sila magsasagawa ang public ceremony bilang bahagi ng peace deal.
Noong nagdaang linggo kasi ay ikinagalit ng Israel ang pagparada pa sa publiko ang mga bangkay na kanilang binihag.
Kapalit din nito ay papakawalan ng Israel ang nasa 620 na Palestinian prisoners kabilang na ang mahigit 400 na Gazans na ikinulong ng mga Israeli forces.
Manggagaling ang mga inmates sa Ofer prison sa West Bank at Ketziot prison sa Southern Israel.