Itinurn-over na ng Hamas ang labi ng 4 na bihag pabalik sa Israel ngayong araw ng Huwebes, Pebrero 20.
Ayon sa grupo, isinama sa itinurn-over na mga labi ang magi-inang Bibas na sina Shiri at kaniyang mga anak na sina Kfir at Ariel na nasa edad 9 na buwan at 4 na taong gulang noong sila ay dinukot.
Habang ang pang-apat naman na labi ay ang 84 anyos na veteran peace activist na si Oded Lifschitz.
Isa-isang dinala ang mga labi sa mga sasakyan ng Red Cross na magdadala sa mga ito pabalik ng Israel.
Ito naman ang unang pagkakataon na ni-release ng Hamas ang mga nasawing bihag simula ng maging epektibo ang ceasefire deal sa Gaza noong nakalipas na buwan.
Ikinatwiran naman ng Hamas na ang 3 miyembro ng Bibas family ay napatay sa inilunsad na strike ng Israel noong Nobiyembre 2023.
Wala namang kumpirmasyon dito ang panig ng Israel at sinabing kanilang kukumpirmahin lamang ang pagkakakilanlan ng mga nasawi kapag natapos na ang forensic tests.