-- Advertisements --

Kinondina ng grupong Hamas ang naging pahayag ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na dapat itaguyod ang Palestinian state sa Saudi Arabia.

Ayon sa militant group na Hamas na ang nasabing pahayag ay isang hindi magandang pakikitungo sa Saudi Arabia at mga Palestino.

Kanilang pinuri ang Saudi Arabia dahil sa pagkondina rin nito sa nasabing pahayag.

Nanawagan na lamang ang Hamas ng pagkakaisa ng Arab nations na kontrahin ang anumang mapanirang pahayag.