-- Advertisements --

Mayroon ng bagong overall leader ang Hamas ilang araw matapos na masawi si Ismail Haniyeh.

Itinalaga nila si Yahya Sinwar na papalit kay Haniyeh.

Mula pa noong 2017 ay nagsilbi si Sinwar bilang lider ng grupo sa Gaza strip.

Siya na ngayon ang tatayo bilang political lider ng Hamas.

Magugunitang napatay sa Tehran noong nakaraang linggo si Haniyeh na ang pinagbintangan nila ay ang Israel.