-- Advertisements --

Pinapahinto ng Hamas militants sa Israel ang pagpapalipad nila ng mga surveillance drones sa Gaza.

Ang nasabing kahilingan ay bilang bahagi ng negosasyon para sa pagpapalaya sa mga bihag nila.

Ilang mga opisyal ng Israel ang nagsabi na maari nilang sundin ang hiling na ito ng mga Hamas para tuluyang mapalaya na ang mga bihag nila.

Halos araw-araw kasi ay nagpapalipad ng ilang oras ang Israels ng mga drones para matukoy ang kinaroroonan ng mga Hamas.

Kasama nilang nagpapalipad ng mga surveillance drones ay ang US para mapalaya na rin ang kanilang mga bihag.

Magugunitang pinapalikas ng Israel ang mga residente ng Gaza para hindi sila madamay sa pinaigting nilang operasyon.

Pinayagan na rin ng Israel ang pagpapapasok ng 2 fuel tankers kada araw sa Gaza para mag-suplay ng mga tubig sa mga residente.