Ibinunyag ng Israel Defense Forces ang ginawang pag-massacre ng mga Hamas Militants sa KFAR-AZA ang border ng Israel at Gaza.
Kasamang pinatay ng mga Hamas militant groups ay mga sanggol kung saan ang iba aniya ay pinugutan pa ng ulo.
Bilang ganti ay tumigil ang Israel na magpaulan ng missile sa Gaza kung saan mayroong mahigit 100,000 Palestinians ang nawalan na ng tirahan.
Pumalo na sa mahigit 1,000 katao ang nasawi sa panig ng Israel at mayroong mahigit 800 ang nasawi sa Gaza mula ng sumiklab ang kaguluhan.
Nagkausap naman sa telepono sina Turkish President Recep Tayyip Erdogan at United Nations Secretary-General António Guterres kung saan tinalakay ang pagbibigay tulong sa mga naiipit sa kaguluhan.
Kinumpirma rin ni French Foreign Minister Catherine Colonna na mayroong walong kababayan nila ang nasawi at 20 iba pa ang naiulat na nawawala ng lusubin ng Hamas ang Israel.