Muling naglatag ang Hamas ng bagong ceasefire plan para tuluyang matapos na ang giyera ng Israel sa Gaza.
Kabilang na dito ang palitan ng bihag ng Hamas na mga Israeli at ang Palestino na preso kung saan 100 sa mga ito ay hinatulan ng habambuhay na pagkakakulong.
Isa umano itong three-phased ceasefire kung saan bawat stage ay magtatapos ng hanggang 42 araw.
Sa unang stage ay dapat na umalis ang mga Israeli forces sa al-Rashid at Salah al-Din street para makabalik ang mga Palestino na lumikas ganun din para makadaan ang tulong na pagkain.
Dagdag pa ng mga Hamas na ang inisyal na pagpapalaya ng mga Israelis ay kinabibilangan ng mga kababaihan, bata, may edad at mga may sakit kapalit ang nasa 700 hangang 1,000 na mga Palestine prisoners na nakakulong sa Israel.
Habang ang second phase ng kasunduan ay dapat na magkaroon ng permanent ceasefire bago ang pagsisimula ng palitan na mga binihag na sundalo.
Hindi naman sang-ayon dito si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu kung saan sinabi nito na ang nasabing proposal ay isang hindi makatotohanang demand.