Inanunsiyo ng Hamas na kanilang iaantala ang pagpapalaya ng mga bihag nilang Israel.
Inakusahan kasi ng militanteng grupo ang Israel na lumabag sa nilalaman ng ceasefire deal.
Ilan sa mga akusasyon nila ay ang pag-aantala ng pagbabalik ng mga lumikas noon sa northern Gaza at ang patuloy na pag-atake ng Israel sa Strip.
Itinanggi naman ng Israel ito at sa halip ay ibinalin sa Hamas ang sisi.
Sinabi naman ni Israeli Defense Minister Israel Katz, na kaniyang pinaghahanda ang mga sundalo nito para sa posibleng pagsiklab muli ng kaguluhan.
Magugunitang noong Enero ng nagkasundo ang Hamas at Israel sa pagpapalaya ng mga bihag at mga Palestinian inmates kung saan mayroong apat na bahagi ang ceasefire.
Sa huling bahagi ng ceasefire ay ang tuluyang pag-alis ng mga sundalo ng Israel na nakatalaga sa Gaza.