-- Advertisements --
Inilabas na ng Hamas ang listahan ng mga bihag na kanilang papakawalan.
Ayon sa Israeli Prime Ministers’ office na natanggap na nila ang pangalan ng apat na babaeng bihag na papakawalan ng Hamas sa araw ng Linggo.
Ang nasabing hakbang ay bahagi ng second round ng pagpapakawala ng mga bihag sa ilalim ng ceasefire deal na napagkasunduan noong nakaraang mga linggo.
Una ng pinakawalan ang unang tatlong hostages na sina Emily Damari, 28, Romi Gonen, 24, Doron Steinbrecher, 31, at kapalit nito ang 90 Palestinian prisoners na pinakawalan ng Israel.
Nakasaad din sa kasunduan ang tuluyang pag-alis na ng mga sundalo ng Israel sa ilang bahagi ng Gaza.
Mayroong pang hawak ang Hamas na 91 na bihag mula sa paglusob nila sa Israel noong Oktubre 7, 2023.