Nagpahayag ng pakikiramay ang Hamas sa pagkamatay ni Iranian President Ebrahim Raisi sa isang helicopter crash.
Nagpasalamat din ito kay Raisi dahil sa suporta umano nito sa pag-aklas ng Palestine at sa mga naging hakbang nito para makamit ang pagkakaisa mula ng magsimula ang giyera ng Israel-Hamas sa Gaza.
Dagdag pa ng Hamas, kinikilala nila ang political at diplomatic efforts ni Raisi at ng Iran foreign minister na nasawi rin sa insidente para pigilan ang Zionist aggression laban sa mga Palestino.
Kung matatandaan, sinusuportahan ng Iran ang Hamas sa pamamagitan ng pag-pondo nito ng mga armas at pagbibigay ng training sa mga miyembro ng militanteng grupo.
Ayon nga sa ulat ng Israeli security source noong 2023, umaabot sa $350-M kada taon ang ibinibigay na pondo ng Iran sa Hamas.