Nanawagan ang opisyal ng Hamas sa mga peace deal mediator na pilitin ang Israel na sumunod sa kasunduan.
Ayon kay Senior Hamas official Bassem Naim na ang ginawang pagtigil ng Israel sa pagpapakawala ng 620 na Palestinian prisoners ay magdudulot ng kapahamakan sa peace deal.
Marapat sa mga mediators lalo na ang US na i-pressure ang Israel para tumalima sa kasunduan at pakawalan agad ang mga prisoners.
Nitong nakaraang Sabado kasi ay pinakawalan ng Hamas ang anim nilang bihag subalit hindi tumugon ang Israel na magpakawala rin ng mga Palestinian inmates.
Magugunitang kaya ipinagpaliban nila ang pagpapakawala sa mga Palestinian prisoners ay dahil sa ikinagalit nila ang ginawang seremonya ng Hamas na ipinarada pa sa publiko ang mga bangkay na kanilang binihag.