-- Advertisements --
Nanawagan ang Hamas sa United Nations at sa mga human rights organizations na tignan o kumustahin ang mga kondisyon ng mga Palestino na nakakulong sa Israel.
Ayon sa Hamas na dapat na ituring na ang nasabing mga krimen ay war crimes na isang paglabag sa lahat ng mga international treaties at conventions at ang paglakas ng mga nagaganap na genocide at ethnic cleansing.
Mula kasi noong Abril ay nasa 9,500 na mga Palestino mula sa Gaza at West Bank ang ikinulong ng Israel base sa data ng Addameer Prisoner Support at Human Rights Association.
Una ng sinabi ng Israel na hindi nila sinasaktan ang mga nakakulong na mga Palestino.