-- Advertisements --
Kinumpirma na ng Qatar at Egypt na kanilang natanggap na ang kasagutan ng Hamas ukol sa ceasefire deal.
Ayon sa Egyptian Ministry of Foreign Affairs , na dahil sa pag-sang-ayon na ng Hamas at Israel sa peace deal ng US ay patuloy ang kanilang pagsulong hanggang tuluyang maabot ang kasunduan.
Bilang mediators ay kanilang pag-aaralan ang mga kasagutan at sila ay makikipag-ugnayan sa mga partido para sa kanilang susunod na hakbang.
Magugunitang ang nasabing peace deal ay isinulong ni US President Joe Biden na may ilang mga kondisyon gaya ng permanenteng tigil putukan at ang pagpapalaya sa mga bihag ng Hamas.