Pinalaya na ng Hamas ang 3 bihag na Israelis mula sa Gaza sa panibagong hostage-prisoner swap ngayong Sabado, Pebrero 1, 2025.
Ito ay sina Yarden Bibas, 34 anyos at Ofer Kalderon, 53 anyos na nakatawid na sa border pabalik sa kanilang mga mahal sa buhay sa Israel at ang US-Israeli citizen na si Keith Siegel, 65 anyos.
Ito na ang ikaapat na batch ng mga pinalayang bihag mula sa kamay ng Hamas simula ng maging epektibo ang ceasefire deal sa pagitan ng Israel at Hamas noong Enero 19, 2025.
Bilang kapalit naman ng pagpapakawala sa mga bihag na Israelis, nakatakdang palayain din ngayong araw ang 183 Palestino na nakakulong sa mga piitan ng Israel.
Mahigit 100 sa kanila ay mula sa Gaza at nasa 70 naman ang nahaharap sa mahaba o panghambuhay na sentensiya sa mga piitan ng Israel.