-- Advertisements --
Pinuri ng Hamas ang desisyon ng Turkey na samahan ang South Africa sa pagdiin ng kasong genocide laban sa Israel.
Ang Turkey kasi ay siyang pang-pitong bansa na naghain ng reklamo sa International Court of Justice (ICJ) at nagsampa ng genocide case laban sa Israel dahil sa patuloy na pag-atake nito nito Gaza na ikinasawi ng maraming sibilyan.
Ilan sa mga bansang sumali at nagsampa sa ICJ ay ang Colombia, Nicaragua, Spain, Libya, Palestine at Mexico.
Ayon sa Hamas na marapat na sumunod na rin ang mga Arab at Islamic countries na agad na sumali para tuluyang sampahan ng kaso ang Israel.