-- Advertisements --
Nagbago na ng tono ngayon ang Hamas militant group at sila ay pumayag na magpakawala ng mga bihag nila.
Nagpasya ang grupo matapos ang ginawang pag-uusap ng mga pangunahing mediator na Egypt at Qatar.
Gaya aniya ng mga napagplanuhan ay magpapakawala ang Hamas ng tatlong bihag nila sa araw ng Sabado.
Magugunitang una ng nagbanta ang Hamas na hindi na sila magpapakawala ng bihag matapos na akusahan ang Israel na lumabag sa ceasefire deal.