-- Advertisements --
Nagbabala ang Hamas na ang patuloy na pag-atake ng Israel sa Gaza ay magdudulot ng hindi maganda sa isinusulong na ceasefire.
Ayon kay Hamas chief Ismail Haniyeh, na masasayang lahat ng mga nasimulan sa magandang pag-uusap kung hindi titigil ang Israel sa pag-atake.
Hinikayat din ito ang mga mediators na mga bansa na dapat ay agad na gumawa ng hakbang para hindi masayang ang mga isinsusulong nilang permanent ceasefire.
Itinuro pa nila si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu at ang kasundaluhan ng Israel na siyang nasa likod ng pagkakabagsak ng negosasyon.