-- Advertisements --

Tumanggi ang Hamas na lumahok sa panibagong ceasefire talks sa Qatar.

Ayon sa Hamas na naghihintay lamang sila ng seryosong tugon ang Israel ukol sa ceasefire.

Sa nagdaang ceasefire talks kasi noong Hulyo 2 ay tila binalewala ng Israel ito at hindi naging seryoso.

Saka na lamang aniya babalik ang Hamas sa ceasefire table kung nagpakita na ng sensiridad ang Israel.

Makikipagpulong na lamang ang mga Hamas sa mga mediator pagkatapos ang ceasefire deal sa araw ng Biyernes.