LEGAZPI CITY – Mahigpit na kinondena ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-Elcac) ang mga akusasyon kaugnay sa umano’y pag-red tag sa Alliance of Health Workers (AHW).
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay NTF-Elcac spokesperson Lorraine Badoy, binigyang diin nito na mismong ang Korte Suprema na ang nagpahayag na wala at hindi totoo ang red tagging.
Gawa-gawa lamang aniya ito ng CPP-NPA-NDF upang patahimikin ang sinuman na gustong maghayag ng katotohanan.
Batay aniya sa ruling ng Supreme Court walang panganib sa buhay, kalayaan at seguridad kapang inakusahan ang isang indibidwal na kaanib ng rebeldeng grupo.
Pinanindigan rin nito ang naging pahayag na isang communist front ang AHW kasama na ang civilian bureaucracy (COURAGE) at Alliance of Concern Teacher (ACT) dahil suportado ito ng mga ebidensya.
Nakahanda aniya si Badoy na harapin ang hamon ng grupo na senate hearing at pagdulog sa Civil Service Commission kaugnay sa umano’ypag-red tag ng NTF Elcac sa organisasyon.
Dagdag pa nito, na isang magandang oportunidad ang naturang hamon ng grupo upang masiwalat ang dapat na malaman ng publiko.