-- Advertisements --

CEBU CITY – Hinamon ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia ang isang miyembro ng IATF – Technical Advisory Group (TAG) dahil sa naging statement nito sa isang pahayagan kung saan sinabing galing sa Cebu ang Delta variant transmission sa Mindanao at iba pang lugar sa bansa.

Ang tinutukoy ni Garcia kay si Dr. Edsel Salvaña dahil sa naging komento nito sa nasabing pahayagan na napa-ipalabas noong ika-10 ng Agosto.

Iginiit daw ni Salvaña na dahil sa mas maluwag na swabbing policy sa paliparan sa Cebu lalung lalo na sa mga umuuwing OFWs at ROFs kung kaya’y naging pinagmulan ito ng pagkalat ng mas makakahawang Delta variant sa iba pang bahagi ng Pilipinas.

Dahil dito, magkakasa ng pormal na reklamo ang gobernadora kang Health Sec. Francisco Duque III habang magpapasa naman ang hunta probinsyal ng Cebu na isang resolusyon na magtatawag sa atensyon ni Dr. Salvaña.

Inilarawan pa ni Garcia ang naging komento ng doktor na ‘irresponsible and totally biased declaration not supported by data. Kaya’t hamon nito sa doktor na magpalabas ng dokumento o datus na nagpapatunay sa kanyang sinabi.

“How dare him blame Cebu,” ayon pa kay Garcia.

Maliban kang Garcia, hindi rin sang-ayun ang chief pathologist sa Department of Health in Central Visayas (DOH-7) na si Dr. Mary Jean Loreche sa sinabi ni Dr. Salvaña.

Iginiit nito na ang unang natalang Delta variant ng COVID-19 sa bansa ay galing sa dalawang ROFs na hindi naman nakalapag sa paliparan o nakapunta sa Cebu.

Samantalang, binigyang diin rin ni Loreche na ang ginagamit pa noong na Swab Testing Protocols sa lalawigan ng Cebu partikular na sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) ay ang dalawang beses pa – una ay ‘yung swab test sa paglapag pa lang at ang ikalawa ay sa ikapitong araw ng kwarantina, base pa rin ito sa IATF guidelines.