Umapela si Philippine National Police Chief Gen. Oscar Albayalde sa senado na isapubliko ang hawyak nilang record ng umano’y ninja cops na una nang tinalakay sa closed executive session.
Humarap din ngayong araw ang hepe ng PNP sa 7th joint hearing ng Senate Justice and Human Rights Committee at Senate Blue Ribbon Committe na pinangunahan ni Sen. Richard Gordon.
Giit ni Albayalde, ginawa umano niya ang lahat ng kaniyang makakaya upang siguraduhin ang positibong imahe ng PNP sa pamamagitan ng patuloy na internal cleansing.
Kung matatandaan, nadawit ang pangalan ni Albayalde sa naturang agaw-bato scheme matapos ilahad ni dating Criminal investigation and detection group chief at ngayon ay Baguio City Mayor Benjamin Magalong na may isang high ranking official daw ang sangkot sa tiwaling gawain.
Nakiusap din ang pnp chief sa publiko na huwag sanang husgahan ang lahat ng kapulisan sa kabila ng mga alegasyon na ipinupukol sa kanilang hanay.