Mas interesado umano si Bimby Aquino Yap sa personalidad ng isang babae kaysa sa pisikal na kaanyuan nito.
Pahayag ito ng bunsong anak ni Kris Aquino, matapos deretsahang ianunsyo na siya ay straight o tunay na lalaki, taliwas sa mga ispekulasyon na bading daw ito.
Pero ipag-amin din ng 14-year-old son ng basketbolistang si James Yap, ideal girl nito ang mayroong blonde hair at magandang hubog ng legs, gayundin ng dibdib at leeg.
Mahalaga rin aniya kung tulad ito ng kanyang ina, na mabuting tao kahit sa mga kaaway, mapagbigay at matalino.
“I like brunette. Brunette or blonde. That’s all the colors… As long as she has nice hair, nice legs. Mom, that’s not perverted, it’s legs. Malamang I’ll say boobs, momma. Nice face, good neck. I want her to be smart… very generous ’cause I learned that from you,” ani Bimby.
Una nang tiniyak ng kinikilala noon bilang Queen of All Media na hindi magiging big deal sa kanya sakaling totoo ang ibinabato sa bunsong anak nito na umano’y bading daw.
“I know my son doesn’t identify being gay BUT in the event that he ever does, he will still be my son,” saad ng dating presidential sister.
Noong nakaraang linggo naman ay iba-ibang ang naging pakahulugan ng mga netizen sa birthday message ni James Yap.
Sa post kasi ng 39-year-old basketball star kalakip ang lumang larawan nila ni Bimby, ipinahayag nito na mamahalin ang anak “no matter what.”