Umaabot na sa 1,000 cases ng Hand Foot and Mouth Disease (HFMD) ang naitala ng Department of Health mula sa mga lalawigan ng Davao Region.
Sa datos na inilabas ng ahensya, noong Enero 1 hanggang 11 ng Pebrero ngayong taon, tumaas na sa 1,412 na kaso ang naitala mula sa 166 na barangay kung saan mas mataas pa ang mga ito kumpara noong nakaraang taon na mayroong 711 kaso lamang.
Nakapagtala ang Davao De oro ng pinakamataas na 415 kaso ng HFMD; sinundan din ito ng Davao Del Norte na may 374 na kaso; 296 kaso ang sa Davao City; 200 sa Davao Occidental; 102 sa Davao Oriental; habang 25 lamang sa mga kaso ng HFMD ang naitala sa Davao Del Sur. Batay din sa datos, madalas naitala ang HFMD mula 0 hanggang 9 taong gulang na mga bata.
Kung saan 652 o 46% ay kababaihan at 760 o 54% ng mga lalaki.
Ayon kay Dr. Gerna Manatad, Assistant Regional Director ng DOH-XI, buo na ang kanilang koordinasyon sa mga apektadong LGU at komunidad na apektado ng HFMD, para mamonitor nila ito. Sinabi rin ni Dr. Manatad na “self-limiting” lamang umano ang sakit at walang naitalang casualties dahil sa mild cases lang ang nararanasan ng mga pasyente.