-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Sisimulan sa susunod linggo ang hand recount sa mga balota sa estado ng Georgia matapos pinayagan ni Governor Brian Kemp ang hamon ng mga abogado ni US President Donald Trump na gagawin ang hand to hand recount sa mga balota.

Ito ang sinabi Luisa Milone ng New Jersey matapos nag file ng complain sa supreme court at Senate ang republican na si Trump dahil sa katiwalian sa halalan.

Pagkakaalam nito isailalim din sa hand recount ang resulta sa halalan sa Pennsylvania, Georgia, Nevada, Michigan, Wisconsin, North Carolina ug Alaska subalit ang Georgia pa lamang ang binigyan ng permiso.

Dahil dito nagbunyi ang mga Trump suporter sa naging action ng gobyerno ng Gerogia para i recount ang mga balota sa harapan ng mga democrat at Republican representative.

Dumepensa din ito sa hindi pag concede ni Trump dahil siya pa din ang presidente ng America hanggang hindi iproklama ang susunod na Pangulo.

Matatandaan naging mainitan ang paghihintay sa resulta sa halalan sa anim na pinag-agawang estado na my maraming boto.