-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Gawa ng mga inhenyerong Pinoy ang mga hand washing system na panlaban sa Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansang Ethiopia.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Leonidez Halos Kim, director for the post harvest and agri-processing extension sa Ethiopia, tatlong linggo na ang nakakaraan nang nagdeklara ng state of emergency ang Ethiopia.

Sa ngayon ay hindi bababa sa 100 ang infected ng virus at tatlo na ang namatay sa nasabing bansa.

Tiniyak naman ng pamahalaan ng Ethiopia na sinusunod ng mga mamamayan ang mga protocols at precautions upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 tulad ng personal hygiene at hand washing.

Malaki ang naging bahagi ng mga Pilipinong inhenyero sa Ethiopia dahil pinagawa sila ng pamahalaan ng mga hand washing system hindi lamang sa Addis Ababa kundi sa iba pang panig ng nasabing bansa.

Ang mga automatic handwashers ay galing sa Cebu City, dito sa Pilipinas habang ang iba ay galing sa India at Africa.