BACOLOD CITY – Hindi napigilan ng ulan ang mga Bacoleño at Negrense sa pagsaksi sa Handog Dance Showdown Competition ng Bombo Radyo at Star FM bilang handog pasasalamat sa Masskara Festival sa Bacolod Public Plaza kagabi.
Kahit na bumuhos ang ulan, hindi umalis ang mga tao upang samahan ang Bombo Radyo at Star FM Bacolod personnel sa pagsasagawa ng mga aktibidad kagaya na lamang ng dance showdown kung saan 10 grupo ang nagpakita ng kani-kanilang mga moves.
Pinabilib ang audience ng Ang Mananayaw Dance Troupe (AMDT) na official dance troupe ng Carlos Hilado Memorial State College Fortune Town Campus, Xclusive, Break Point, New Generation Family, The Majestic, Next Step, VMA WAT Crew, CAPA – CHMSC Alijis Performing Arts, Maalwan Come Back atUnited Free Stylerz.
Tinanghal na champion ang VMA WAT CREW; 1st runner-up naman ang defending champion na United Free Stylers at 2nd runner-up ang Ang Mananayaw Dance Troup.
Tumanggap ang champion ng P10,000 cash; P8,000 ang 1st runner-up at P5,000 naman ang 2nd runner-up.
Hindi naman umuwing luhaan ang ibang dance groups na hindi pinalad dahil may tinanggap naman silang consolation prizes.
Maliban dito, nagpasaya rin ang dalawang komedyante ng lungsod, cast ng sikat na drama sa Bombo Western Visayas na “Toyang Ermitanya,” disc jockeys ng STAR FM Bacolod, at nagsagawa rin ng parlor games at hindi nawala ang libreng pa-T-shirts.