-- Advertisements --

“All systems go” na umano ang pormal na handover ceremony ng hosting ng Pilipinas sa 2019 Southeast Asian (SEA) Games na idaraos sa Malaysia bukas, Oktubre 3 sa Malaysia.

Dito ay opisyal na tatanggapin ng Pilipinas ang SEA Games flame mula sa nakaraang host na Malaysia, na siyang hudyat sa countdown para sa pagsisimula ng regional meet sa Nobyembre 30.

Ayon sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc), nakatakdang tangapin ni Philippine Olympic Committee board member Cynthia Carrion ang flame mula kay Malaysia Olympic Committee president Norza Zakaria sa gaganaping seremonya ng pagsisindi ng lantern.

SEA Games Torch
The official Torch. Designed by the country’s foremost metal sculptor, Daniel dela Cruz, the torch is inspired by the national flower, Sampaguita. It symbolizes purity, simplicity, humility and strength.

Dadaluhan din nina Phisgoc Chief Operating Officer Ramon Suzara at Philippine Sports Commission Commissioner Celia Kiram ang nasabing okasyon.

Maliban sa kanila, kasama rin sa delegasyon ng bansa ang Pinoy boxer na si Ian Clark Bautista, taekwondo jin Pauline Lopez, at ang alkalde ng Capas, Tarlac na si Reynaldo Catacutan.

“The flame handover is an important symbolic ceremony showing the turnover of responsibilities from past host to present,” ani Phisgoc ceremonies director Mike Aguilar.

Bago ito, sa naging panayam ng Bombo Radyo kay Phisgoc manager of torch relay Sandra Dy, importante ang nasabing seremonya na nagpapakita ng pag-turnover ng responsibilidad ng dating host sa susunod na host country.

Matapos ang seremonya sa Malaysia ay dadalhin na ang torch sa Pilipinas para simulan naman ang serye ng mga torch relay sa iba’t ibang

Kasama sa magiging ruta ng mga torch relay ang Davao, Cebu, Manila, at Clark, maging sa Kamara, Senado, at Malacanang.

“We want the SEA Games here in the Philippines to be as inclusive as possible. We know that most of the events will happen in Manila, Clark, Subic, La Union and Tagaytay. We want Filipinos in other parts of the country to feel as if they’re part of the SEA Games,” wika ni Dy.