Magde-deploy ng hanggang 70,000 na mga uniformed personnel ang Philippine National Police (PNP) sa iba’t ibang tourists destinations sa buong bansa sa mga darating na araw.
Ayon kay Senior Supt. Eugene Paguirigan, Public Safety Division Chief ng Directorate for Operations, nakapag-isyu na sila ng mga operational guidelines sa lahat ng kanilang regional units kaugnay sa ipapatupad na security measures na may kaugnayan sa “Ligtas SumVac 2017.”
Sinabi ni Paguirigan na ang Summer Vaction (SumVac) ay mag-umpisa kapag tapos na ang mga klase kung saan dito na sila magsimulang mag-deploy ng mga pulis hanggang sa Balik Eskwela program ng Department of Education (DepEd).
Giit ni Paguirigan na nasa 65,000 hanggang 70,000 na mga police personnel ang kanilang ide-deploy.
Ito ay bukod pa sa mga force multipliers na tutulong sa PNP sa pagbibigay seguridad.