-- Advertisements --

Malaking bahagi ng bansa ngayong araw ang maapektuhan ng easterlies o hangin mula sa Pacific Ocean, saad ng PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration).

Ayon sa state weather bureau, ang Bicol Region, Visayas, at Mindanao, ay magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms.

Asahan na anila ang posibleng pagkakaroon ng flash floods sa mga lugar na maaapektuhan ng severe thunderstorms.

Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay makakaranas din ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasama ring rainshowers pero dahil naman sa localized thunderstorms.