-- Advertisements --

Iiral pa rin ang northeast monsoon o hanging mmihan sa malaking bahagi ng Pilipinas.

Ayon sa Pagasa, magdudulot ito ng malamig na panahon sa Luzon, samantalang mahihinang pag-ulan naman ang mararanasan sa Visayas at Mindanao.

Dahil dito, ang Cagayan Valley, Cordillera, Ilocos region, Aurora at Quezon ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan.

Magiging maganda naman ang panahon sa nalalabing bahagi ng bansa kasama ang Metro Manila.

Sinabi pa ng weather bureau, naitala ang pinakamalamig na temperatura na 18.5 degrees Celsuis sa Metro Manila partikular sa Science Garden dakong alas-6:00 ng Sabado ng umaga.

Bumaba rin sa 10.2 degrees Celsius bandang alas-7:00 ng umaga ang temperatura sa lungsod ng Baguio.

Sa ngayon, wala rin anilang inaasahan pa na anumang weather disturbance na papasok o mabubuo sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na tatlo hanggang limang araw.