Nag-umpisa na ang pag-iral ng hanging amihan sa Pilipinas.
Ito ang kinumpirma ni Pagasa Administrator Vicente Malano, kasunod ng pagbabago na ng direksyon ng hangin.
Mula kasi sa pag-ihip ng easterlies mula sa Pacific Ocean, manggagaling na ang hangin sa bahagi ng China at Siberia.
Dahil dito, mas malamig na ang magiging temperatura na tatagal hanggang sa unang bahagi ng taong 2010.
Mas malalaking alon din ang aasahan mula sa Northern Luzon at eastern section ng ating bansa.
“For the past several days, strong to gale force northeasterly winds has prevailed over the seaboards of Northern Luzon due to the strengthening of the high pressure system over Siberia. Moreover, gradual cooling of the surface air temperature over the Northeastern part of Luzon has been observed. These meteorological conditions indicate the onset of Northeast Monsoon (Amihan) season in the country. With these developments, the northeast wind flow is expected to become dominant over most parts of the country, bringing cold and dry air. Surges of cold temperatures may also be expected in the coming days to months,” saad ng advisory mula sa Pagasa.
Kasabay nito, nagbabala naman ang weather bureau hinggil sa pagpasok ng mga bagyo dahil sa ganitong panahon ay madalas na nagkakaroon ng landfall ang mga nabubuong tropical cyclones mula sa Pacific Ocean.