-- Advertisements --
Walang gaanong pag-usad ang bagyong Hanna sa nakalipas na mga oras.
Ayon kay Pagasa forecaster Ezra Bulquerin, “almost stationary” ito dahil sa mga nakaharang na ibang weather system sa paligid ng Pilipinas.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 815 kilometro sa silangan ng Calayan, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 85 kph at may pagbugsong 105 kph.
Nagbabala naman ang Pagasa na kahit bahagyang uminit ngayong umaga, may aasahan pa ring pagbuhos ng ulan mamayang hapon at gabi sa ilang lugar sa bansa, kasama na ang Metro Manila.