-- Advertisements --
Lalo pang lumakas ang bagyong Hanna sa nakalipas na magdamag.
Ayon kay Pagasa forecaster Ariel Rojas, huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 485 km silangan hilagang silangan ng Basco, Batanes.
Kumikilos ito nang pahilagang kanluran sa bilis na 15 kph.
May taglay itong lakas ng hangin na 175 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 215 kph.
Sa kasalukuyan, nakataas ang tropical cyclone wind signal number one sa Batanes at Babuyan Group of Islands.