-- Advertisements --
Nagbabala ang Pagasa na lalo pang titindi ang epekto ng habagat sa malaking parte ng ating bansa dahil sa paghatak ng bagyong Hanna.
Ayon kay Pagasa forecaster Ariel Rojas, nasa tropical storm category na ang sama ng panahon na nasa layong 940 km silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.
Taglay na nito ang lakas ng hangin na 75 kph at may pagbugsong 90 kph.
Kumikilos ito nang pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.
Sa kasalukuyan ay walang direktang pagtama sa lupa ang tropical storm, ngunit ang nahahatak nitong habagat ay ramdam mula sa Luzon, malaking parte ng Visayas at Mindanao.